Binisita na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang viral na lalaking may kapansanan sa pag-iisip na kinuyog sa EDSA carousel.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Linggo, Hunyo 15, 2025, binisita ng Crisis Intervention Unit of the DSWD-Central Office ang kinaroroonan ng biktima noong Sabado, Hunyo 14 sa San Jose Del Monte, Bulacan upang alamin ang tulong na maaari nilang ibigay.
Kinokonsidera na rin ng ahensya na bigyan ng psychosocial ang biktima sa Wireless Mental Health and Psychosocial Support or WiSupport program gayun na rin ang pinansyal na tulong.
“We are looking into the possibility of referring the victim's family for psychosocial support under the Wireless Mental Health and Psychosocial Support or WiSupport program, and the provision of financial assistance,” saad ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao.
Saad pa ni Dumlao, napag-alaman daw nilangb tanging ang pagbebenta lamang ng mais ang primaryang ikinabubuhay ng biktima—dahilan upang hindi ito sumapat para sa kaukulang therapy.
“During the home visitation, we also found out that the main source of his family’s livelihood is selling corn. This is not enough to support the victim's therapy. We are now facilitating referral services to medical institutions or partner service providers to help the victim to continue his sessions,” aniya.
Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang video kung saan mapapanood kung paano siya pinagtulungan ng mga kapwa pasahero at saka kinuryente gamit ang taser. Ayon sa mga ulat, naingayan ang biktima sa cellphone ng isa pang pasahero, dahilan kung bakit niya ito kinagat na nagmitsa ng pambubugbog sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Pasaherong PWD pinagbubugbog, sinakal sa loob ng bus
Samantala, nauna na ring inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na sinuspinde na rin nila ang driver ng bus at konduktor dahil bigo aniya silang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
KAUGNAY NA BALITA: Driver at konduktor ng bus kung saan kinuyog ang ‘nangagat’ na pasaherong PWD, bumengga sa DOTr!