Ibinahagi ng Thai singer at survivor sa isang plane crash na si Ruangsak James Loychusak na nakaupo rin siya sa seat number 11A nang maganap ang malagim na aksidente sa himpapawid na kaniyang naranasan noong 1998.
Na-shock si Loychusak na pareho sila ng seat number ng nag-iisang British national survivor sa nag-crash na Air India noong Huwebes, Hunyo 12, na kumitil sa buhay ng 241 pasahero nito.
KAUGNAY NA BALITA: Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!
Ang nabanggit na singer, ay lulan noon ng Thai Airways flight TG261 nang magkaaberya ito at bumagsak sa isang swamp kung saan marami ang namatay at nasugatan.
"Survivor of a plane crash in India. He sat in the same seat as me. 11A. My condolences to all those who lost," pahayag ng Thai singer nang malaman niya ang malungkot na balita.
Isa sa mga nakaligtas si Loychusak na nakaupo sa seat number 11A, bilang ng upuan kung saan din nakaupo ang British national survivor na si Vishwash Kumar Ramesh.
Sa panayam kay Ramesh, ang upuan niya ay malapit sa emergency exit ng plane. Tumilapon palabas si Ramesh nang mahati ang eroplano bago ito tuluyang sumabog.
Marami tuloy sa mga netizen ang nagsasabing mukhang ligtas na upuan daw ang 11A kung sakaling bibili ng plane ticket.
KAUGNAY NA BALITA: Nag-iisang survivor sa Indian plane crash, nakahingi ng tulong matapos tumilapon sa bintana
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Paano nakaligtas si Vishwash Kumar Ramesh sa Air India Flight 171?