June 15, 2025

Home FEATURES

Netizens, napa-reflect; estudyanteng pasahero sana ng Air India, ligtas dahil na-late sa flight!

Netizens, napa-reflect; estudyanteng pasahero sana ng Air India, ligtas dahil na-late sa flight!
Photo courtesy: Contributed photo

Bumuhos ang sentimyento ng netizens sa isang babaeng hindi nakasama sa pagbagsak ng Air India matapos siyang ma-late nang 10 minuto sa kaniyang flight.

Ayon sa ulat ng international news outlets, may isang pasahero pa raw ang maaaring makonsiderang nakaligtas sa nasabing pagbagsak ng Air India. Kinilala ang babae na si Bhoomi Chauhan, 28 taong gulang na estudyante sa Bristol, England.

Batay sa naging panayam sa kaniya ng media, 10 minutong late si Chauhan matapos maipit sa matinding traffic bago dumating sa airport. 

“I requested airline staff to allow me inside as I am only 10 minutes [late]. I told them that I am the last passenger and so please allow me to board the plane, but they did not allow me,” ani Chauhan.

Mga Pagdiriwang

BaliTanaw: Pagdiriwang ng Father's Day, kailan at paano nagsimula?

Kuwento pa niya, umalis na lamang daw siya at ang kaniyang kasama sa airport at inintindi kung paano makakakuha ng refund. 

"I was very disappointed. We left the airport and stood at a place to drink tea and after a while, before leaving...we were talking to the travel agent about how to get a refund for the ticket ," saad niya.

Nakatanggap na lamang daw siya ng tawag tungkol sa sinapit ng eroplanong dapat sana ay kabilang din siya sa mga pasahero.

"There, I got a call that the plane had gone down," saad ni Chauhan.

Samantala, may kaniya-kaniya namang entry ang ilang netizens sa tila isang milagro umano ng kapalaran ang nosyon ng pagiging late ni Chauhan.

"Parang may divine intervention talaga kapag late o may nakalimutan."

"Kapag 'di pa oras, gagawa talaga ng paraan ang tadhana."

"Dapat talaga hindi nakikipaghabulan sa oras."

"You can never tell what's next talaga."

"Delay is a form of blessing in disguise."

"Mapapalitan ang ginastos, pero ang buhay hindi."

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad at eksperto kung ano ang naging sanhi ng naturang trahedyang kumitil hindi lamang sa mga buhay pasahero, maging sa mga pangarap na kanilang baon papunta sana sa iisang destinasyon.