June 16, 2025

Home BALITA

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!
Photo courtesy: Contributed photo

Patuloy ang search and recovery operations sa lugar na pinagbagsakan ng Air India plane noong Hunyo 12, 2025 kung saan patuloy pa umanong tumaas ang bilang ng mga marerekober pang bangkay.

KAUGNAY NA BALITA:  Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Ayon sa ulat ng AP News nitong Sabado, Hunyo 14, pumalo na sa 270 ang bilang ng mga nasawi kung saan 241 sa mga ito ay mula sa sakay ng nasabing eroplano at 29 naman ay mula sa nadamay na mga sibilyan matapos itong bumagsak sa isang medical college hostel.

Tinatayang aabutin pa raw ng  72 oras bago tuluyang maproseso at lumabas ang resulta ng DNA tests sa mga bangkay na narekober ng rescue team, upang mabigyang pagkakakilanlan ang mga ito.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Samantala, noong Biyernes, Hunyo 13, nang makuha na rin sa bahagi ng rooftop ng crash site ang black box o digital flight data recorder. 

Ayon sa sa Aircraft Accident Investigation Bureau, sinisimulan na nilang kuhanan ng impormasyon ang naturang black box. Inaasahang makakapaglabas ito ng mga impormasyong may kinalaman sa engine at control settings ng eroplano at voice recorder na maaaring magbigay-linaw sa aksidente.

Isang pasahero lang ang naiulat na nakaligtas sa pagbagsak ng Air India matapos umano siyang makalabas sa emergency exit ng eroplano bago ito tuluyang sumabog sa loob lamang ng tinatayang 30 segundo.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Paano nakaligtas si Vishwash Kumar Ramesh sa Air India Flight 171?

Ito ang kauna-unahang naitalang pinakamalalang pagbagsak ng Air India sa ilalim ng Boeing 787 Dreamliner sa loob ng 16 na taong pagbiyahe nito. Tinatayang mayroong 1,200 na unit ang Dreamliner sa iba't ibang panig ng mundo.