June 15, 2025

Home BALITA

Mga pulis na ‘di marunong gumamit ng baril, tatamaan kay Torre!

Mga pulis na ‘di marunong gumamit ng baril, tatamaan kay Torre!
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III na may katapat ang mga pulis na sasablay umano sa firearms proficiency at marksmanship.

Sa panayam ng media kay Torre noong Biyernes, Hunyo 11, 2025, iginiit niyang mas magiging mahigpit daw ang kaniyang pamumuno sa kapulisan mula sa mga komandante hanggang sa mga officers.

"Hindi lang sa promotion, pati sa positioning. Kapag nag-test sila at bagsak sila sa marksmanship, aba'y tatanggalin ko ang mga commanders na hindi makakapasa sa ating proficiency testing," ani Torre.

Saad pa ni Torre, hindi raw katanggap-tanggap kapag may mga pulis umanong hindi marunong gumamit ng baril.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

"Hindi acceptable na ang pulis ay hindi marunong gumamit ng baril. Kaya pagdating sa classification standards, at hindi siya pumasa, mayroon nakasama sa regulation, i-recall ang kaniyang baril na issue at siya ay mag-undergo ng training," saad ni Torre. 

Dagdag pa niya, "I'll be very, very strict."

Matatandaang kamakailan lang nang inanunsyo rin ng PNP na maaaring maparusaha ang mga pulis na overweight alinsunod sa direktiba ni Torre.

“Yung mere appearance mo na medyo malaki ka, ‘ika nga ay halos pumuputok na yung iyong uniporme, yung physical appearance would somehow make an impression anong klase pulis tayo mayroon,” ani PNP Spokesperson Jean Fajardo sa media.

KAUGNAY NA BALITA: Bagong utos ni Torre sa kapulisan: Bawal ang bochog, dapat sharp shooter!