June 15, 2025

Home BALITA

‘Makakahabol pa!’ Taiwan, mas pinahaba 'visa-free entry' para sa mga Pinoy hanggang 2026

‘Makakahabol pa!’ Taiwan, mas pinahaba 'visa-free entry' para sa mga Pinoy hanggang 2026
Photo courtesy: Pexels

Inihayag ng Taiwan Minister of Foreign Affairs na mas pinalawig pa nila "visa-free" entitlement para sa mga Pilipinong turista hanggang 2026.

Ayon sa talumpati ni Taiwan Minister of Foreign Affairs Lin Chia-lung noong Biyernes, Hunyo 13, parte ang naturang visa-free extension sa pagpapatibay pa ng relasyon ng kanilang bansa sa Pilipinas.

"To continue to deepen bilateral ties between Taiwan and the Philippines, I announce that Taiwan will extend the visa-free entry program for Filipino nationals for one year," aniya.

Ayon kay Lin, tinatayang nasa 415,000 mga toristang Pinoy ang bumisita sa Taiwan noong 2024. 

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Noong Setyembre 29, 2022 pa nagsimula ang visa-free program ng Taiwan para sa mga Pinoy na nakatakdang magtapos noong Hulyo 31, 2023 ngunit na-extend pa hanggang Hulyo 31, 2024. Habang nitong 2025 naman, nakatakda na ring magtapos ang nasabing programa ng Taiwan sa Hulyo 31, halos dalawang linggo matapos ilabas ang nasabing anunsyo noong Biyernes.