June 15, 2025

Home BALITA

Driver at konduktor ng bus kung saan kinuyog ang ‘nangagat’ na pasaherong PWD, bumengga sa DOTr!

Driver at konduktor ng bus kung saan kinuyog ang ‘nangagat’ na pasaherong PWD, bumengga sa DOTr!
Photo courtesy: DOTr, screengrab from contributed video

Kinondena ng Department of Transportation (DOTr) ang sinapit ng isang lalaking may kapansanan sa pag-iisip matapos siyang pagtulungang bugbugin sa loob ng EDSA carousel.

Ayon sa mga ulat, kinagat ng biktima ang isang pasaherong nagse-cellphone na may malakas na tunog. Dito na raw nagsimulang magkaroon ng tensyon sa loob ng ng bus dahilan upang kuyugin siya ng kapwa mga pasahero sa likurang bahagi ng carousel. 

KAUGNAY NA BALITA: Pasaherong PWD pinagbubugbog, sinakal sa loob ng bus

Samantala, pansamantala namang sinuspinde ng DOTr ang lisensya ng driver ng bus at konduktor dahil hindi umano siniguro ang kaligtasan ng kanilang pasahero at hindi rin daw inireport ang insidente sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na naka-estasyon sa EDSA busway.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Sa press briefing noong Biyernes, Hunyo 13, iginiit ni DOTr Sec. Vince Dizon na nakikipag-ugnayan na raw sila sa Philippine National Police (PNP) upang mapanagot ang mga pasaherong sangkot sa pambubugbog sa biktima.

"Kailangan mahuli yung mga yun. Makikipag-ugnayan tayo sa PNP para malaman kung sino yung mga yun dahil kailangan maparusahan sila," saad ni Dizon.

Humingi rin ng paumanhin ang DOTr sa sinapit ng biktima at nangakong magbibigay ng tulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

"We will provide the necessary help to Mark [biktima] and to his family, and we sincerely apologize to them, especially to him dito sa nangyaring ito," anang DOTr secretary.