Tila himalang maituturing ang pagkaligtas ng British national na si Vishwash Kumar Ramesh, 38, sa pagbagsak ng Air India Flight 171 sa Ahmedabad noong Hunyo 12.
Ayon sa ulat ng international media outlets, tutulak sanang papuntang Gatwick Airport sa London ang naturang eroplano ngunit ilang minuto pa lang sa ere ay bumagsak na ito.
Tinatayang umabot sa 241 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong lulan ng eroplano. Lahat ng mga ito ay nasawi maliban kay Vishwash.
Sa isang panayam kay Vishwash habang nakahiga siya at nakaratay sa ospital, sinabi niyang hindi umano siya makapaniwalang nakaligtas siya sa trahedyang itinuturing bilang “world's worst aviation disaster in a decade."
“I still can’t believe how I got out alive. I thought I was also about to die,” lahad ni Vishwash.
"Within a minute after takeoff, suddenly... it felt like something got stuck,” pagpapatuloy niya. “I realized something had happened, and then suddenly the plane's green and white lights turned on."
Dagdag pa ng British national, “After that, the plane seemed to speed up, heading straight towards what turned out to be a hostel of a hospital. Everything was visible in front of my eyes when the crash happened.”
Samantala, base naman sa salayasay ng isang police officer sa Ahmedebad, nakaupo umano si Vishwash malapit sa emergency exit ng eroplano at nagawa nitong makatalon palabas sa naturang pinto.
Ayon kay Vishwash, “I saw the air hostess and aunties and uncles all in front of me. I unfastened my seatbelt and tried to escape, and I did."
"I think the side I was on was not facing the hostel. Where I landed was closer to the ground and there was space too—and when my door broke, I saw that there was space, and I thought I could try to slip out," dugtong pa niya.
Kabilang sa mga nasawi sa trahedya ang kapatid ni Vishwash na si Ajay na kasama niyang sumakay sa eroplano at nakaupo sa 11J.
Babalik na sana ang magkapatid sa England matapos ang bakasyon nila sa India.