Sa balita ng plane crash ng Air India nitong Huwebes, Hunyo 12, ay muling binalikan ng mga netizen ang hula ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin tungkol sa aksidente sa himpapawid.
Sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 9, sinabi niyang may nakikita siyang sasakyang panghimpapawid sa ibang bansa, partikular sa Asya, na maaaksidente.
"ME NAKITA AKONG SASAKYANG HIMPAPAWID NA MA AKSIDENTI.ME NAKITA AKO DALAWA SA IBANG BANSA AT GANUN DIN SA BANSANG ASIA .ANG ISANG AKSIDENTI AY DAHIL SA MALAKAS NA KIDLAT .DALAWANG AKSIDENTI SA HIMPAPAWID NA ANG DAHILAN AY ANG BAGSIK NG KALIKASAN.KAHIT MAGANDA ANG PANAHON BIGLA NALANG NAGBAGO ANG KLIMA KUMIDLAT KAHIT SA MAINIT ,MAULAN O MAKULIMLIM ANG KALANGITAN . BAGSIK NG KALIKASAN NA KUNG SAAN MARAMING BUHAY ANG NAWALA.AT ANG DALAWANG SASAKYANG HIMPAPAWID NA MA AKSIDENTI DAHIL SA ENGINE FAILURE AT ANG ISA NITO AY BUMAGSAK NG MATINDI SA KARAGATAN .LAHAT NG ITO AY MANGYAYARI PA LAMANG .ME NAKITA AKONG NGA KULAY NG MGA SASAKYANG HIMPAPAWID .KULAY PULA NA ME NAKASULAT NA KULAY PUTI. ME KULAY DILAW ,ASUL,AT PULA .AT ME KULAY GREEN AT PUTI .LAHAT NG ITO AY MANGYAYARI PA LAMANG .ME NAKITA PA AKO NA KUNG SAAN NASA AIRPORT NA AY NA AKSIDENTI PA.ULITIN KO PO ULIT ITO AY MANGYAYARI PA LAMANG AT SA KAHIT NA ANO PANG GINAWA NATIN SA ARAW ARAW HUWAG NATIN KALIMUTAN ANG MANALANGIN PALAGI .MAGING MAINGAT AT HUWAG MAKALIMOT ANG MAGDASAL AT MAGPASALAMAT SA DIOS AMA," aniya.

Samantala, patay umano ang lahat ng sakay na pasahero ng bumagsak na Air India plane sa Ahmedabad, Huwebes, Hunyo 12.
Sa ulat ng international media outlets, patungong Gatwick Airport sa London ang eroplano subalit ilang minuto lamang ay nag-take off ito at bumagsak sa isang residential area sa western city of Ahmedabad.
Itinuturing umano itong "world's worst aviation disaster in a decade."
Bumagsak ang eroplano at bumangga sa isang medical college hostel sa labas ng paliparan habang oras ng tanghalian.
Saad pa sa mga ulat, walang naiulat na nakaligtas at patuloy pang nirerekober ang mga bangkay. Tinatayang nasa 242 ang bilang ng mga pasahero sa nabanggit na eroplano.
Wala pang kumpirmasyon sa mga nasyonalidad ng mga nasawi, subalit ayon sa talla, may 169 Indians, 53 Britons, pitong Portuguese at isang Canadian ang narito.
Hindi pa tiyak kung may Pilipino bang nadamay sa nabanggit na pagbagsak.
KAUGNAY NA BALITA: 242 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay!—reports