Bangkay na nang natagpuan ang isang 18 taong gulang na dalaga sa isang creek sa Old Bulatukan, Makilala, Cotabato noong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.
Ayon sa mga ulat, hinihinalang dinukot umano at saka ginahasa ang biktima na noo'y umalis lamang para maghanap ng signal sa cellphone.
Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na may concerned citizen ang nakatuklas sa bangkay ng babae sa isang creek sa compound ng Boy Scout Camp ng nasabing Barangay bandang 7:30 ng umaga noong Miyerkules.
Sinasabing wala na raw damit pang-ibaba at pang-itaas ang biktima nang marekober ang kaniyang bangkay. Nagtamo rin umano ng sugat sa ulo ang dalaga na umano'y nagsanhi ng kaniyang pagkamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang hinihintay ang resulta ng post mortem examination upang makumpirma kung ginahasa raw ang biktima.