June 13, 2025

Home BALITA

6 na CEU examinees, 'sokpa' sa top 10 ng 2025 Dentists Licensure Examination

6 na CEU examinees, 'sokpa' sa top 10 ng 2025 Dentists Licensure Examination
Photo courtesy: CEU, Pexels

Hinakot ng Centro Escolar University (CEU) ang puwesto sa top 10 ng 2025 Dentists Licensure Examination matapos makapasok ang kanilang ang anim na examinees sa listahan ng board passers.

Ayon sa opisyal na Facebook post ng CEU noong Miyerkules, Hunyo 11, 2025, lima sa anim na CEU students ang nagmula sa kanilang Manila branch habang isa naman ang nagmula sa Malolos branch.

Sa CEU nagmula ang topnotcher na si Chloe Vernice Uy na siyang highest scorer na may 87.93% text result. Sinolo ni Uy ang top 1 mula sa 764 board passers.

Sumunod kay Uy ang iba pang CEU passers na sina Rica Mae Sunga na nasa top 4, Cristel Jeanne Manahan na nasa top 6, Jane Deborah Orfanes na nasa top 8, Gwyneth Mari Mendoza na nasa top 9 at Andrea Loi Liwag na nasa top 10 at siyang nag-iisang mula sa CEU Malolos.

Politics

Matapos pag-initan: Padilla, pinuri si Villanueva

Samantala, ang Our Lady of Fatima University-Valenzuela ang kinilalang top performing school matapos makapasa ang kanilang 55 test takers mula sa 60 estudyante na nag-take mula sa kanilang paaralan. Habang nasa ikalawang puwesto naman ang CEU na nagtala ng 184 takes mula sa 222 estudyante na nag-exam mula sa kanilang unibersidad.