Viral sa social media ang isang post mula sa isang social media platform tungkol sa gay couple na nagkaroon ng problema sa kanilang adopted son hinggil sa pagpapaospital nito.
Mababasa sa kuwento ng kapatid, na may adopted son ang gay couple na magkarelasyon ng 17 taon, at nagsasama sa iisang buong bilang isang pamilya.
Nang maospital daw ang bata dahil sa appendicitis, nagkataon daw na nasa ibang bansa ang nag-ampon sa bata, na siyang kinikilala sa batas bilang adopted father. Hindi raw pinayagan ng ospital na makita ng boyfriend ng kaniyang kapatid ang bata dahil sa mata ng batas, isa siyang estranghero.
"Nasaktan ako for them, literal kumirot puso ko, doon ko narealize na privileged kami ng misis ko for not having to go through that," saad ng kapatid na nagsasalaysay sa post.
"Awang-awa" raw siya sa kaniyang "brother-in-law" niya dahil hindi nga raw siya napagbigyang makita ang "anak" nila.
Dito ay napagtanto ng kapatid na marami raw ipinagkait na karapatan sa mga kagaya nilang LGBTQIA+ community member.
Dahil dito ay muli na namang nabuksan ang isyu hinggil sa Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression (SOGIE) Bill.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Kwentong akala nila hindi totoo! Kasi hindi nila ma raranasan!"
"Kaya dapat isulong na talaga 'yang SOGIE Bill na 'yan!"
"Pero totoo naman kasi, hindi naman talaga kinikilala ng batas."
"Need na talaga isulong ang SOGIE Bill."
Ikaw Ka-Balita, anong palagay mo tungkol dito?
---
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.