June 11, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Mukbanger, namatay sa pagkain ng buto ng manok kapalit ng ₱20k

Mukbanger, namatay sa pagkain ng buto ng manok kapalit ng ₱20k
Photo courtesy: Screenshots from Rogelio Estrera Adriano (FB)

Naihatid na sa huling hantungan ang mukbang content creator mula sa Leyte na sinasabing namatay umano sa pagkasa sa challenge ng kaniyang follower na, na kainin ang buto ng roasted chicken kapalit ng ibibigay nitong ₱20,000.

Ayon sa mga kapwa vlogger at netizen, isang follower daw ang nag-alok ng nabanggit na halaga para lamang sa stunt ni Rogelio Adriano.

Bilang patunay, gumawa ng mukhang vlog si Adriano at ipinost sa kaniyang Facebook page.

Ayon sa mga ulat, makalipas ang ilang araw, isinugod sa ospital si Adriano matapos makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan.

Human-Interest

ALAMIN: Kapag sinabing 'remand,' anong meaning?

Batay naman sa doktor, nagkaroon ng internal injury ang abdomen ni Adriano dahil sa mga buto, na naging dahilan din ng blockage sa kaniyang intestine, na ikinamatay nito.

Ang masaklap, matapos daw gawin ang challenge ay biglang nawala ang nangakong follower at nag-deactivate ng social media account.

Humihingi ng tulong ang pamilya ni Adriano para mahanap ang nabanggit na follower at magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ng mukbanger.