Nagbigay ng abiso ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez kaugnay sa lagay ng kaniyang opisyal na X account.
Sa latest Facebook post ni Romualdez nitong Lunes, Hunyo 9, sinabi niyang kasalukuyang bineberepika ang naturang account dahil sa dami nitong kagaya.
“The Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez has formally requested verification of the Speaker’s official X (formerly Twitter) account in light of the recent surge of fake and impersonator accounts falsely claiming to represent the Speaker,” saad ng kaniyang opisina.
Layunin umano ng hakbang na ito na mapangalagaan ang komunikasyon sa publiko at matiyak na mula sa totoo ang pinagmumulan ng impormasyong natatanggap ng madla.
Dagdag pa niya, “As part of this process, the account is currently under review by X for the issuance of the blue checkmark badge, which confirms the identity of high-ranking public officials.”
Kaya naman hinimok nila ang publiko na iwasan ang mga unofficial account na nagpapakalat ng pekeng impormasyon habang sumasailalim sa pagsusuri ng X ang account ng House Speaker.
Sa huli, sinabi ng tanggapan ni Romualdez na maglalabas ulit sila ng anunsiyo sa oras na matapos ang proseso ng beripikasyon.