Bumisita si Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III sa Commission on Human Rights (CHR) nitong Lunes, Hunyo 9, 2025.
Sa panayam ng media kay Torre, igniit niyang kinikilala niya ang gampanin ng CHR sa kanilang mga magiging pag-aresto upang masigurong walang malalabag sa karapatang pantao.
“The CHR is our boss, on the protection of human rights,” ani Torre.
Dagdag pa niya, “ Sa ating ginagawa, actually ng mga pulis, actually protection din ng human rights 'yan eh. Dahil kaya pumapasok ang pulis diyan may isang tao na nagrereklamo, na nalabag ang kaniyang karapatang pantao.”
Paliwanag pa ni Torre, ang CHR daw ang siyang naninigurong napapanatili ang karapatan ng mga kriminal sa bawat operasyong kanilang ikinakasa.
“Ngayon ang pulis naman, ay overside function naman ang ine-exercise ng CHR. Tinitingnan naman kung ang pulis, bilang state agent ay nagmamalabis naman sa kaniyang ginagawa,” aniya.
Paliwanag pa ni Torre, “So, 'pag may isang biktima, nilabag ang karapatang pantao n'ya, ng isang kriminal, papasok ang pulis. Pero kung halimbawa, kung ang pulis na ang lumabag ng karapatang pantao ng isang tao-ayan na ang CHR.”
Ayon sa mga ulat, si Torre ang unang hepe ng PNP na kumilala at nagtungo tanggapan ng CHR upang makipag-ugnayan sa usaping karapatang pantao ng bawat indibidwal, nasasakdal man o biktima.
BASAHIN: PNP, makikipag-ugnayan sa CHR sa mga ikakasang pag-aresto
Saad pa ni Torre, “And I do recognize, eto nga nagpapasalamat sa CHR, for keeping us always in check and being a partner of Philippine National Police, in ensuring that everything we do is within the ambit of the law.”