June 10, 2025

Home BALITA Politics

Abante, na-stress sa quad-comm hearings

Abante, na-stress sa quad-comm hearings
Photo Courtesy: Screenshot from HOR via MB (YT)

Ibinahagi ni dating Manila 6th District Rep. Benny Abante ang naidulot ng quad-comm hearings sa mental na kalusugan niya.

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Lunes, Hunyo 9, sinabi ni Abante na gusto na raw niyang magpahinga bagama’t palagay niya ay makababalik pa raw siya sa posisyon.

Matatandaang tinalo si Abante ni Joey Uy na kaalyado nina upcoming Manila City Mayor Isko Moreno at upcoming Manila City Vice Mayor Chi Atienza.

MAKI-BALITA: Benny Abante, nagtakang 'di nanalo sa 2025 midterm elections

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

“Palagay ko makakabalik ako. Gusto ko na ngang magpahinga, e,” saad ni Abante.

Dagdag pa niya, “The quad-comm hearing has been stressful for us.[...] Because siyempre may mga kalaban ka, bina-bash ka. At one time, I had 6,000 bashers.”

Nang tanungin ang kongresista kung paano nalaman ang bilang ng mga bumabatikos sa kaniya, sinabi niyang may mga kabataan umanong nangangasiwa ng Facebook page niya para burahin ang mga negatibong komento roon.

“Hindi ko nga binabasa, e. I’m not reading it. So, I’m not actually affected by it because I refuse to read those,” aniya.

Pero matatandaang binira ni Abante noong Disyembre 2024 ang mga bumabatikos sa kanilang komite na naatasang imbestigahan ang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

MAKI-BALITA: Rep. Abante, muling binira ang 'bashers' ng quad comm