May 22, 2026

Home BALITA Politics

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla
Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Nagbigay ng reaksyon ang ilang netizens sa cryptic post ni Sen. Robin Padilla, na palagay ng mga netizen, ay may kaugnayan sa usapin ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kaniyang social media post nitong Martes, Abril 14, sinabi ni Padilla na dito sa Pilipinas lamang daw makakakita ng pamumulitika kahit saan.

“Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!” aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Robin Padilla (FB)

Ayon sa ilang netizens, posibleng patungkol ang naturang pahayag sa mga nagaganap na pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng mga reklamong impeachment laban sa bise presidente.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

May ilan ding nagsabing tila ipinapahiwatig ng senador ang umano’y labis na politisasyon ng mga isyung kinakaharap ng pamahalaan.

May ilan ding ibinalik sa kaniya ang mga sinabi niya.

"how about the RAGE Coalition?"

"Because in politika you can have a maleta"

"'Bring him home' lang pwede, ‘no?"

"Tama naman hehe."

"Same as you politika here politika there. Coming from you."

"ganun talaga kapag alam nilang matatalo sila, pinupolitika."

Matatandaang nitong Martes, dumalo sa hearing ang umano'y dating "bagman" at "aide" ni VP Sara na si Ramil Madriaga upang maghain ng ilang supplemental affidavit laban sa "dating amo," gayundin kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na aniya'y nagplanta ng kudeta at asasinasyon noon laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

Gayunman, wala pang inilalabas na opisyal na paglilinaw si Padilla kung ano ang eksaktong tinutukoy ng kanyang pahayag.