June 08, 2025

Home BALITA Metro

Walang bollard? Van, aksidenteng sumampa sa loading area ng NAIA Terminal 2

Walang bollard? Van, aksidenteng sumampa sa loading area ng NAIA Terminal 2
Photo Courtesy: Raoul Esperas

Dumiretso hanggang sumadsad sa loading area ang isang van sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  noong Biyernes, Hunyo 7.

Ayon sa ulat, bandang 9:45 p.m. nang mangyari ang naturang insidente. Wala namang naitalang napinsala o nasaktan.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang 56-anyos na driver ng van na ayon sa lisensya nito ay mula pa sa Zamboanga.

Batay sa pahayag ng New NAIA Infra Corp (NNIC), sinabi umano ng driver na may iniwasan siyang sasakyan. Rumesponde naman agad ang NNIC sa nangyari at inalis ang van sa loading area.

Metro

65-anyos senior citizen, 2 beses umanong hinalay ang isang dalagita

Samantala, aminado naman ang NNIC na walang bollard na nakalagay sa lokasyon ng pinangyarihan ng indsidente.

“The area where the vehicle struck the curb does not have bollards, as Bays 13 and 14 are not high-traffic zones and have not been assessed as posing significant safety or security risks,” ani NNIC sa isang pahayag.

Matatandaang noon lamang nakaraang buwan, Mayo 4, 5-anyos na bata ang nasawi matapos araruhin ng isang itim na SUV sa departure area ng NAIA.

MAKI-BALITA: 5 na taong gulang na bata kabilang sa nasawing inararo ng SUV sa NAIA