June 08, 2025

Home BALITA

Kabataan Party-list, pinatalsik miyembro na inakusahang nanggahasa

Kabataan Party-list, pinatalsik miyembro na inakusahang nanggahasa
Photo Courtes: Kabataan party-list, Pexels

Nagbigay ng abiso ang Kabataan party-list kaugnay sa isyung kinasangkutan ng isa nilang miyembrong si Justine James Barrientos.

Matatandaang lumutang kamakailan ang serye ng mga post ng isa sa mga nagpakilalang kasapi ng Kabataan paty-list na inilahad ang pananamantalang ginawa umano sa kaniya ng kapuwa niya miyembro ng organisasyon.

MAKI-BALITA: Kabataan party-list kinalampag ng babaeng miyembro; sekswal na inabuso?

Kaya sa latest Facebook post ng Kabataan party-list nitong Sabado, Hunyo 7, inanunsiyo nilang hindi na umano ang bahagi pa si Justine ng naturang samahan.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

“JUSTINE JAMES BARRIENTOS is no longer affiliated with Kabataan Partylist and cannot represent or use the name of the organization in any manner,” saad ng Kabataan party-list.

Samantala, sa kanilang opisyal na pahayag, binanggit nilang bago inaksyunan umano agad nila ang nasabing isyu pa man ito pinagpiyestahan ng publiko.

Anila, “Guided by our Constitution and By-Laws, the National Executive Committee (NEC) undertook a careful and deliberate investigation.”

“Given this, the NEC, through its Investigation Team, found sufficient  cause to hold the accused perpetrator accountable for conduct that is unbecoming of a Kabataan Partylist member and is gravely violative of the organization’s standards in upholding human dignity, political conduct and collective discipline,” dugtong pa nila.

Sa huli, iginiit ng Kabataan party-list na kinokondena umano nila ang lahat ng anyo ng abuso. Humingi rin sila ng pansenya sa naging pagkukulang nila bilang organisasyon sa isyung ito.