Maraming netizens ang sumang-ayon sa isang post patungkol sa "sacred sex" kaysa sa "safe sex," sa kabila ng mainit na usapin patungkol sa paglobo ng populasyong may Human immunodeficiency virus o (HIV).
Mababasa sa post ng page na "Boiling Waters" na sana raw, ituro din sa lahat ang "sacred sex" kaysa sa "safe sex."
Ibig sabihin, dapat daw ay manumbalik ang kaisipang ang sex ay isang sagradong bagay na ginagawa lamang ng mga mag-asawa o intimate partners at hindi sa paraang "casual."
"If you believe na sacred ang body mo, and you respect your worth...hindi mo basta-basta intimately i-share sa iba yan outside of a sacred commitment. You have a free will, but you are not free of the consequences. 'Safe' sex? Yes! But it's only safe when it's sacred," mababasa rito.
"Call me old-fashioned, pero I will treat it as sacred pa rin regardless anong date na sa kalendaryo."
"Wait lang, back to basic nga uli tayo. Anong label niyo, bakit ang intimate niyo?" mababasa pa.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Mas sacred pa and cellphone ngayon kesa katawan. Yan ang napansin ko, Di pwede hawakan ang phone ko, pero pwede ang katawan ko. Abay ewan."
"Hindi ka pang-free taste."
"Di siya old fashioned actually mas progressive thinking nga yun e. Imagine, in a world full of itry natin. Be the one who practice sisiguraduhin ko, by becoming the right person. But let us not shame them but rather convict them."
"Kanya kanyang paniniwala ang mga tao, Relihiyoso o Free Spirited, ang dalawang ay hindi magkakasundo. Kung sakaling dinaig ng puso ang isipan, 1. Wag basta ibigay o tikman, 2. Isipin ang kalusugan 3. Wag na wag papabuntis at 4. Irespeto ang sarili."
"True, kung ayaw nila ng sacred be realistic na lang. Once you go on that path, make sure kaya mo ng bumuhay ng pamilya. Been there na kaya hanggat maari, sinasabi namin un sa anak namin. Hindi namin macocontrol lahat pero gusto namin marealize nya ano ung mangyayari sa buhay nya once pumasok sya sa ganun. Expenses and responsibilities."
Ikaw Ka-Balita, anong palagay mo tungkol dito?
KAUGNAY NA BALITA: 95% pagsirit pataas ng HIV cases, bembangan ng lalaki sa lalaki