Ibinenta ng nag-viral na babaeng lumusot sa isang kanal sa Makati ang kontrobersiyal niyang "cutter blade" sa vlogger na si Boss Toyo.
Sa isang episode ng "Pinoy Pawnstar," nagsadya si "Rose" kay Boss Toyo at ibinenta nga sa kaniya ang nabanggit na cutter blade, na dahilan daw kung bakit siya sumuot sa imburnal matapos itong mahulog doon.
Ang nabanggit na cutter blade ang ginagamit daw niya sa pangangalakal.
Hindi naman daw akalain ni Rose na magba-viral ang nabanggit na sitwasyon, at na-media pa.
Naging dahilan naman ito para tulungan siya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at makakuha siya ng mga nasa ₱80,000 bilang panimula sa isang sari-sari store.
₱5,000 ang alok ni Boss Toyo sa cutter blade subalit nabatak ito ni Rose hanggang sa ₱10,000. Pumayag naman si Boss Toyo ay pinapirmahan niya ang cutter blade kay Rose dahil ilalagay ito sa kaniyang museo, kasama ng ibang collectible items mula sa mga sikat na celebrity at personalidad.
KAUGNAY NA BALITA: DSWD, nanawagang 'wag i-bash si 'Imburnal Girl' dahil sa ₱80k