June 07, 2025

Home BALITA National

CBCP, ikinababahala pagdami ng HIV cases sa mga kabataan

CBCP, ikinababahala pagdami ng HIV cases sa mga kabataan

Ikinababahala ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang ulat na dumarami ang bilang ng mga kabataan na dinadapuan ng human immunodeficiency virus (HIV).

Kaugnay nito, nanawagan si Bishop Oscar Jaime Florencio, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, sa mga kabataan na huwag matakot humingi ng tulong at sumailalim sa pagsusuri laban sa HIV at AIDS upang maagapan ang kanilang kalagayan.

“Actually. we know that already (I mean the HIV/AIDS rise), as reported to us. But the problem is that these people don't come out in the open because of the stigma or shame that they have this HIV/AIDS,” ayon kay Florencio.

Ani Florencio, sila sa simbahan ay may mga isinagawa na ring interbensyon upang matulungan ang mga taong may HIV/AIDS, ngunit hindi ito naging sapat upang mapigil ang pagkalat ng sakit.

National

Akbayan galit na; magkakasa ng 3 araw na protesta sa harap ng Senado!

Aminado rin siya na kailangang mas paigtingin pa ang kampanya at tuloy-tuloy na pagkilos upang maabot ang mas maraming nangangailangan.

“We have already made some interventions, but to no avail. Perhaps, we need more to continue our crusade so we can at least stop this malady,” pahayag pa ng obispo.

Panawagan pa niya sa mga kabataan, huwag silang matakot na lumapit at tanggapin ang mga programa at tulong na iniaalok ng simbahan. 

“I hope this message goes clear to our young people: Don't be afraid to come out and avail of the intervention that the episcopal commission on health care is doing. We know that you are part of the Church we serve and love. We want to reach out and be cured,” dagdag pa ng obispo.

Matatandaang una nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tumaas ng hanggang 500% ang bilang ng mga kabataang dinapuan ng HIV.

BASAHIN: HIV cases sa mga kabataan, tumaas ng 500%; pinakabata, 12-anyos!