June 06, 2025

Home BALITA

‘Lumagapak sa ranking!’ Pilipinas, pinakadelikadong bansa para sa turismo—HelloSafe

‘Lumagapak sa ranking!’ Pilipinas, pinakadelikadong bansa para sa turismo—HelloSafe
Photo courtesy: Pexels

Nanguna ang Pilipinas sa buong mundo, sa mga bansang mapanganib para sa seguridad ng turista batay sa pinakabagong inilathala ng comparison online platform na HelloSafe.

Ayon sa nasabing online platform, nasa 82.32% ang banta sa safety index ng Pilipinas na sinundan naman ng Columbia na may 79.21% at Mexico na nasa ikatlong puwesto na may 78.42%.

Sa Asya, bagsak pa rin ang safe index ng Pilipinas na nasa ika-30 puwesto. Kabaligtaran naman ito ng puwesto ng Singapore na nanguna sa nasabing kontinente na may 19.99 pts. Sinundan ito ng Bhutan sa ikalawang puwesto na may 22.98 pts, Mongolia sa ikatlong puwesto na may 27.85 pts, Laos sa ikaapat na may 28.77 pts at Armenia sa panlima na may 30.76 pts.

Ayon pa sa Hello Safe, mayroon umano silang limang pinagbatayan upang masuri ang seguridad na tinutukoy nila sa isang bansa gaya ng: natural disasters, violence in society, internal at external armed conflicts, healthcare at militization.

National

CEAP, iginiit pagpapanatili ng Ethics sa college curriculum

Samantala, kinilala naman sa buong mundo ang Iceland bilang pinakaligtas na lugar na maaaring puntahan ng mga turista na may talang 18.23  sa kanilang safety index. Sinundan ito ng Singapore na may 19.99, Denmark na may 20.05, Austria na may 20.31 at Switzerland na may 20.51.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Mayo nang maglabas din ng pinakabagong travel advisory ang Estados Unidos kung saan inaabisuhan nilang limitahan ang pagpunta sa rehiyon ng Mindanao partikular na sa Sulu at Marawi.

KAUGNAY NA BALITA: Travel advisory ng US sa Mindanao, inalmahan ng Mindanaoan solon: ‘Unfair shotgun warning!’

Kaugnay nito, nauna na ring maglabas ng travel advisory ang China hinggil pa rin sa banta umano ng seguridad sa buong bansa na dinepensahan naman ng Palasyo at sinabing nagkakaroon lamang daw ng paghuli sa mga dayuhang gumagawa ng ilegal sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga bansang nagbabala sa kanilang travel advisories sa pagpunta sa Pilipinas