June 07, 2025

Home BALITA

VP Sara 'di bet si Torre maging PNP Chief: 'Medyo sketchy yung decision!'

VP Sara 'di bet si Torre maging PNP Chief: 'Medyo sketchy yung decision!'
Photo courtesy: MB file photo, screenshot from RTVM/YT

Nagkomento si Vice President Sara Duterte hinggil sa pagkakaluklok ni Gen. Nicolas Torre III bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP). 

Sa panayam ng media kay VP Sara sa The Hague, Netherlands noong Martes, Hunyo 3, 2025, inungkat niya ang umano’y nakabinbing kaso raw ni Torre mula sa naging imbestigasyon sa Senado.

“May recent findings ang Senate of violations of law of this police officer. So bakit mo naman gagawin chief of police? Masyadong sketchy yung decision,” anang Pangalawang Pangulo.

Matatandaang kasama si Torre sa mga sinampahan ng kaso ni Sen. Imee Marcos matapos ang kaniyang naging imbestigasyon sa Senado hinggil sa umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

National

CEAP, iginiit pagpapanatili ng Ethics sa college curriculum

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman, inatasan 5 gov’t officials na sagutin reklamo ni Sen. Imee ukol sa pag-aresto kay FPRRD

Si Torre ang sumalo sa binakanteng posisyon ni dating PNP Chief Rommel Marbil matapos ang kumpirmasyon ni Executive Secretary Lucas Bersamin dahil sa nakatakda nitong pagreretiro sa Hunyo 7.

KAUGNAY NA BALITA:  Torre, nakatakda maging ikaapat na hepe sa ilalim ng PBBM admin

Bukod sa naging pag-aresto kay Duterte, nauna na ring naging matunog ang pangalan ni Marbil matapos naman ang kaniyang naging pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) lider Apollo Quiboloy. 

BASAHIN: PBBM, may ilang hamon kay Torre bilang bagong PNP Chief