June 07, 2025

Home BALITA

DOLE sa wage hike proposal: 'Di kami nagsasabi na kami ay humahadlang o pumapabor'

DOLE sa wage hike proposal: 'Di kami nagsasabi na kami ay humahadlang o pumapabor'
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng pahayag si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma kaugnay sa legislated wage hike proposal na  ₱200.

Kasama rin dito ang pinakabagong 8 wage adjustment petitions na nagtutulak sa ₱555 increase sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Capital Region (NCR).

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Miyerkules, Hunyo 4, sinabi ni Laguesma hindi raw nila masasabi kung sila ay humahadlang o pumpabor sa mga panukala at petisyon para sa dagdag na sahod ng mga manggagawa.

“Di po kami nagsasabi na kami ay humahadlang o pumapabor. Ang pinapakita po namin ano ‘yong mga senaryo na puwedeng mangyari?” saad ni Laguesma.

National

CEAP, iginiit pagpapanatili ng Ethics sa college curriculum

Dagdag pa niya, “Dahil sa pangkasalukuyan sa ating sistema, ang mandato po ng DOLE  Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ay may kinalaman sa adjustment ng umiiral na minimum wage.”

Ayon sa kalihim, ginagampanan naman ng mga unyon sa mga ogranized companies ang usapin tungkol sa “over and above minimum wage” sa pamamagitan ng “collective bargaining negotiation.” 

“At mayro’n din naman pong tinatawag na ‘ika nga ay tinatawag na bilateral na usapan ang mga manggagawa at kanilang employer may kinalaman sa adjustment; hindi lang ng sweldo pati ng iba pang benepisyo na nakabatay naman po sa kasanayan ng ating mga manggagawa,” dugtong pa ni Laguesma.

Tiniyak naman ng kalihim na itutuloy ng ahensya ang paggampan sa pagsasaayos ng floor wage entry level batay na rin umano sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magkaroon ng timely review 60 araw bago ang anibersaryo ng pinakahuling wage increase.