June 08, 2025

Home BALITA

'Confirmed!' Sen. Jinggoy, nabasa na resolusyon para ibasura umano ang impeachment ni VP Sara

'Confirmed!' Sen. Jinggoy, nabasa na resolusyon para ibasura umano ang impeachment ni VP Sara
Photo courtesy: Senate of the Philippines, file photo

Inihayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na nabasa na raw niya ang umano’y draft ng resolusyong magbabasura umano sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng media kay Estrada nitong Miyerkules, Hunyo 4, 2025, inamin niyang noong Lunes, Hunyo 2 pa raw umuugong ang naturang resolusyon.

“It has been in circulation. I saw it,” ani Jinggoy.

Nang tanungin ng media kung ito raw isa nang printed copy, sagot ng senador, “Yes.”

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Itinanggi din niyang may nag-alok na sa kaniya na pirmahan ito, “Hindi naman, pinababasa lang.”

Dagdag pa niya, “Marami na ngang umuugong-ugong na chismis nga tungkol do’n. I just confirmed it last Monday na mayroon ngang Reso na umiikot nga. But I don’t think may mga pumirma,” anang senador.

Matatandaang nitong Miyerkules nang nagbigay ng komento ang ilang senador sa nasabing resolusyon matapos ang kumpirmasyon ni Sen. Imee na kasado na raw ang draft nito upang maibasura na sa Senado ang nakabinbing impeachment trial ni VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: 'Meron o wala?' Mga senador, iba-iba tugon sa resolusyong babasura sa impeachment ni VP Sara