Isang senate resolution ang inihain ni Sen. Robin Padilla nitong Martes, Hunyo 3, upang maging National Artist sa larangan ng musika ang pumanaw na singer at OPM icon na si Freddie Aguilar.
Paliwanag ni Padilla sa kaniyang Senate Resolution 1364, nakabatay raw sa Artikulo XIV Seksyon 15 ng Konstitusyon at Presidential Proclamation 1001 ang ganitong klaseng pagkilala dahil sa kanilang ambag sa lipunan.
“Ferdinand Pascual Aguilar, also known as Freddie Aguilar, who was born on Feb. 5, 1953, rose to fame in the late 1970s for his powerful and heartfelt compositions using folk rhythms and kundiman music,” nakasaad sa resolusyon.
“Given his achievements and contributions, Freddie Aguilar must be considered by the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP) for recommendation to the President as one of the country’s national artists,” dagdag niya.
Inihalimbawa pa ni Padilla ang pagiging iconic ng awiting “Anak” ni Ka Freddie na naisalin sa 27 wika at naging sikat sa 56 bansa; bukod dito, nasa 30 milyong kopya ng kanta ang naibenta sa buong mundo.
BASAHIN: ALAMIN: Ano-ano ang benepisyong natatanggap ng isang National Artist?
Kamakailan lamang ay nagulat ang mga taga-showbiz sa balita ng pagpanaw ni Freddie, noong Mayo 27, na agad ding nailibing sa pamamagitan ng isang ritwal ng mga Muslim.
KAUGNAY NA BALITA: Freddie Aguilar, pumanaw na sa edad na 72
KAUGNAY NA BALITA: Freddie Aguilar, inihatid na sa huling hantungan