June 05, 2025

Home BALITA

VP Sara, napahalakhak sa pagkakatalaga ni Torre bilang PNP Chief

VP Sara, napahalakhak sa pagkakatalaga ni Torre bilang PNP Chief
Photo Courtesy: Screenshot from SMNI Gikan sa Masa, Para sa Masa (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon si Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagkakatalaga ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Nicolas Torre III bilang bagong chief ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam kasi ng media kay VP Sara nitong Linggo, Hunyo 1, naitanong sa kaniya ang tungkol sa bagong posisyon ni Torre.

Ngunit sa halip na magbigay ng pahayag, napahalakhak na lang ang bise-presidente bilang tugon sa tanong sa kaniya.

“Sorry, “ sabi niya matapos matawa, “that's my reaction. Next question.”

Metro

QC Mayor Joy at Naga City Mayor-elect Leni, nagkita; posibleng maging 'sisters'

Matatandaang si Torre ang inatasang manguna noon sa pag-aresto sa ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte para dalhin sa The Hague, Netherlands dahil sa kaso nitong “crimes against humanity.”

Si Torre ang papalit sa mababakanteng posisyon ni PNP Chief Rommel Marbil at magiging ikaapat na hepe ng PNP sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

MAKI-BALITA: Torre, nakatakda maging ikaapat na hepe sa ilalim ng PBBM admin