June 06, 2025

Home BALITA

PBBM, 'no comment' sa pahayag ni Sen. Imee patungkol sa 'pagkakamali'

PBBM, 'no comment' sa pahayag ni Sen. Imee patungkol sa 'pagkakamali'
(file photo)

"No comment." Ito ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. hinggil sa naging pahayag ng kaniyang kapatid na si Senador Imee Marcos patungkol sa "pagkakamali."

Nitong Huwebes, Mayo 29, nagpulong sina Sen. Imee at legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman. 

"Kapit lang. Sabi ko kay VP Inday Sara Duterte, higit kanino man, alam ko ang pakiramdam ng mawalay sa sariling bayan, kaya’t simula’t sapul alam niya ang laman ng aking puso patungkol sa di katanggap-tanggap na sinapit ni PRRD. Ngunit narito tayo hindi upang magdrama, kundi para sa solusyon, narito tayo upang umaksyon,” saad ni Sen. Imee sa isang Facebook post.

"Hindi ako naghintay ng 39 years para lang magkamali muli, may Marcos na natuto sa kasaysayan. Narito ako hindi para sa isang tao, kundi para sa sambayanang Pilipino," dagdag pa niya.

National

CEAP, iginiit pagpapanatili ng Ethics sa college curriculum

Samantala, sa isang press briefing nitong Biyernes, Mayo 30, tinanong si PCO Usec. Claire Castro kung ano ang masasabi ng pangulo patungkol dito. 

"Masaya po na umaamin po si Senator Imee Marcos sa kaniyang mga pagkakamali. Pero no'ng akin pong tanungin ang pangulo patungkol po d'yan, ang sinabi po ay 'no comment'," ani Castro.