Nasampolan ng Land Transportation Office (LTO) ang motorsiklong may takip ng packaging tape ang plaka.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II, sinuspinde nila ang lisensya ng registered owner ng motorsiklong nakita sa social media kung saan nakatakip ang plaka nito ng packaging tape. Ang naturang paglabag ay sinusubaybayan ng kanilang social media team.
Ang rider ng motorsiklo ay rider ng isang motorcycle taxi.
“This is a brazen violation of the law. We in the government will not allow that. We already issued a show cause order against the registered owner of this motorcycle wherein we also informed him that his driver’s license is suspended for 90 days,” ani Mendoza.
Sa nabanggit niyang show cause order, inatasan ng LTO ang registered owner na dalhin ang Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) ng motorsiklo kasama ang mga rekord bilang opisyal na rider ng isang kompanya ng motorcycle taxi. Pinapasuko rin ng ahensya ang lisensya ng may-ari ng motorsiklo.
Iimbestigahan din ng LTO kung ang may-ari ba ng motorsiklo ang nagtakip ng plaka.