June 08, 2025

Home BALITA

Palasyo, pumalag sa paninisi ni Kaufman kay PBBM: 'He doesn't know the facts!'

Palasyo, pumalag sa paninisi ni Kaufman kay PBBM: 'He doesn't know the facts!'
Photo courtesy: screenshot from RTVM/Facebook, ABS-CBN/YOUTUBE,

Dumipensa ang Malacañang sa naging pahayag ng legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman matapos niyang sisihin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nasa likod umano ng pagpapaaresto sa kaniyang kliyente.

Sa kaniyang press briefing nitong Biyernes, Mayo 30, 2025, iginiit ni Palace Press Undersecretary Claire Castro na marahil ay napapalibutan umano ng “fake news peddlers” si Kaufman.

“It is very apparent and very obvious that Atty. Kaufman is surrounded by fake news peddlers,” saad ni Castro.

Dagdag pa niya, “He doesn't know the timeline, he doesn't know the facts of the case. He should be concentrating on his job as a counsel, not in engaging in rumor-mongering.” 

PNP, makikipag-ugnayan sa CHR sa mga ikakasang pag-aresto

Matatandaang kamakailan lang nang idiin ni Kaufman na si PBBM bilang pasimuno raw ng naging pag-aresto kay dating Pangulong Duterte at saka isinuko sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).

“The real prosecutor in this case is actually in Manila, sitting in his Palace. He's the person who threw [former]President Duterte over here to The Hague,” saad ni Kaufman sa panayam sa kaniya ng media sa The Hague.

KAUGNAY NA BALITA: Kaufman, isinisi kay PBBM pagkakadetine ni FPRRD sa ICC

Matatandaang noong Marso 11 nang maaresto si dating Pangulong Duterte matapos magbaba ng arrest warrant ang ICC kaugnay ng reklamong "crimes against humanity" hinggil sa kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD