Muling nagkita sina dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. at kaniyang ina matapos ang dalawang taon.
Matatandaang lumipad pa-Timor-Leste si Teves matapos siyang iturong mastermind sa pagpatay kay noo'y Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2023.
KAUGNAY NA BALITA: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo - Sec Remulla
Noong Martes, Mayo 27, inaresto ng mga awtoridad ng Timor-Leste si Teves sa kaniyang tahanan sa naturang bansa. Kinumpirma ito ng anak niyang si Axl Teves.
BASAHIN: Axl Teves iginiit na kinidnap, inabuso ang ama niyang si Arnie Teves
At nitong Huwebes ng gabi, May 29, kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na nasa Pilipinas na si Teves matapos ang dalawang taon.
BASAHIN: PBBM, kinumpirmang nasa Pilipinas na si Arnie Teves
KAUGNAY NA BALITA: Arnie Teves, binasahan ng Miranda Rights habang nasa eroplano
SAMANTALA, emosyonal ang pagkikita nina Teves at kaniyang ina na si Zenaida Teves sa National Bureau of Investigation (NBI) office kasunod ng deportasyon ng una sa Timor-Leste.
Bukod sa kaniyang ina, niyakap din ni Teves ang kaniyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio.
Habang nasa opisina ng NBI, sumailalim sa booking procedure at medical examination si Teves. Nakatakda siya ilipat sa Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Biyernes, Mayo 30.