June 05, 2025

Home BALITA

Torre, nakatakda maging ikaapat na hepe sa ilalim ng PBBM admin

<b>Torre, nakatakda maging ikaapat na hepe sa ilalim ng PBBM admin</b>
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Nakatakda nang italaga bilang susunod na hepe ng Philippine National POlice (PNP) si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Nicolas Torre III, alinsunod sa kumpirmasyon ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong HUwebes, Mayo 29, 2025. 

Si Torre ang papalit kay PNP Chief Rommel Marbil na magreretiro na sa Hunyo 7 ngunit ayon kay Bersamin ay nakatakdang iasagawa ang turn-over of command sa Hunyo 2.

Bago pamunuan ang CIDG, nauna na siyang direktor ng Quezon City Police District (QCPD) at pinangunahan niya rin ang Davao Regional Police Officer kung saan matagumpay nilang naaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy matapos ang 16 na araw ng police operation.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga

‘Lumagapak sa ranking!’ Pilipinas, pinakadelikadong bansa para sa turismo—HelloSafe

Naging matunog ang pangalan ni Torre matapos niyang pamunuan ang naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at i-turnover sa International Criminal Court (ICC) detention center sa The Hague, Netherlands.

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Si Torre ang ika-31 PNP Chief at ikaapat naman sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.