June 07, 2025

Home BALITA

Ilang apelyido ng mga senador, nadiskubreng ginamit sa confidential funds ni VP Sara

Ilang apelyido ng mga senador, nadiskubreng ginamit sa confidential funds ni VP Sara
Photo courtesy: MB File photo

Panibagong mga kontrobersyal na pangalan na naman daw ang nadiskubre sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Sa pahayag ni House Deputy Majority Leader at La Union Representative Paolo Ortega V, kasama ang mga apelyido umano ng mga senador sa mga pangalang may kaugnayan umano sa ₱500 confidential funds ng Pangalawang Pangulo.

Kabilang sa mga pangalang nakadikit daw sa apelyido ng ilang senador ay Beth Revilla, Janice Marie Revilla, Diane Maple Lapid, John Lapid Jr., Clarisse Hontiveros, Kristine Applegate Estrada at Denis Tanya Escudero.

"These irregularities are too glaring to ignore-these names from the supposed Budol Gang call for a deeper look. Hanggang Senado po, hindi na pinalampas," saad ni Ortega. 

National

CEAP, iginiit pagpapanatili ng Ethics sa college curriculum

Matapos ang paglitaw ng kontrobersyal na pangalang "Mary Grace Piattos," na tila ipinangalan umano sa pagkain, isa pang pangalang "Cannor Adrian Contis" ang nakalkal din na tila isinunod umano sa isang bake shop.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA

"Kapag ba may confidential funds ang opisina mo, may sweet tooh ka din? When these suspicious names turned out to be fixtures, this is not just a simple malfeasance. It is well-coordinated and well-planned siphoning of public funds," aniya.

Kaugnay nito, matatandaang isa pa sa mga pangalang nadiskubre kamakailan ay ang pagkakadawit naman ng pangalan nina Congressman-elect Chel Diokno at Kapuso star Marian Rivera. 

KAUGNAY NA BALITA: Pangalang 'Chel Diokno,’ 'Marian Rivera' sa confidential funds ni VP Sara, pinaiimbestigahan!