May 30, 2025

Home BALITA National

Arnie Teves, binasahan ng Miranda Rights habang nasa eroplano

Arnie Teves, binasahan ng Miranda Rights habang nasa eroplano

Binasahan na ng Miranda Rights ang puganteng si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. habang nakasakay sa isang eroplano nitong Huwebes, Mayo 29.

Kasunod ito ng pag-aresto sa kaniyang ng mga awtoridad ng Timor-Leste noong Martes, Mayo 27.

Nakasakay si Teves sa eroplano ng Philippine Air Force at nakatakdang lumapag sa Villamor Airbase. Kasama niya si NBI Chief Jaime Santiago.

Matatandaang kinumpirma mismo ng kaniyang anak na si Axl Teves ang pag-aresto sa kaniyang ama sa tahanan nito sa Timor-Leste, na aniya "kinidnap" at "inabuso" ito.

National

Grupo ng mga guro, tinutulan reporma sa GE subjects

BASAHIN: Axl Teves iginiit na kinidnap, inabuso ang ama niyang si Arnie Teves

Saad pa ni Axl, inulit din umano sa kaniyang ama ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

BASAHIN: Anak ni Arnie Teves, inihalintulad pagkakaresto ng kaniyang ama kay FPRRD

Si Arnie Teves ang itinuturong na mastermind sa pagpatay kay noo'y Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2023. 

KAUGNAY NA BALITA: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo - Sec Remulla