Kasalukuyang nasa Qatar ngayon si Senador Imee Marcos kasama sina Vice President Sara Duterte at kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman.
Ayon kay Senador Imee, naimbitahan daw siya sa Qatar kasama ang bise presidente para sa "isang mahalagang pagsasama-sama ng ating mga kababayan."
"Napakasaya ko rin makasamang muli ang Nanay ni Inday, Mam Elizabeth Zimmerman," dagdag pa niya.
Matatandaang inihayag ng Office of the Vice President (OVP) na nakatakdang bumisita si VP Sara sa Qatar at Netherlands mula Mayo 26 hanggang Hunyo 4.
Mauunang bisitahin ni VP Sara ang Qatar kung saan nakalatag ang kaniyang mga aktibidad kasama ng Filipino community.
Nakatakda ring bisitahin ng bise presidente ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Netherlands sa Mayo 30 at June 2 at 3.
BASAHIN: VP Sara, bibisitahin mga Pinoy sa Qatar, Netherlands