May 28, 2025

Home BALITA

Pulong, nakiusap na huwag mapagod magdasal para makauwi na si FPRRD

Pulong, nakiusap na huwag mapagod magdasal para makauwi na si FPRRD
Photo Courtesy: Pulong Duterte (FB), via MB

Nagbigay ng mensahe si Davao 1st district Representative Paolo “Pulong” Duterte para sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa video statement ni Pulong noong Lunes, Mayo 26, hiniling niya na sana ay hindi mapagod ang bawat Pilipino sa pagdarasal na makauwi na ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sana ay hindi kayo mapagod sa pagddarasal na makauwi na ang ating mahal na Presidente Rodrigo. Gaya ng sabi niya, ang kaniyang buhay ay isinakripisyo niya para sa bayan mula pa noon hanggang ngayon,” saad ni Pulong.

Dagdag pa niya, “Sa edad niya ngayon, nararapat lang na ibalik siya sa bayan na kaniyang pinakamamahal. At nang madama naman niya kahit papaano na mamuhay na isang super senior citizen. “

National

'The spirit of QUADCOMM lives on!!!' Rep. Luistro, flinex kasamang 'mentors'

Sa huli, pinasalamatan ng kongresista ang patuloy na suportang ibinibigay ng mga Pilipino para sa kaniyang ama.

“Tinatanaw namin itong isang malaking utang na loob,” pahabol pa ni Pulong.

Matatandaang mahigit dalawang buwan na simula nang arestuhin ng International Criminal Court (ICC) ang ama ni Pulong para dalhin patungong The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM

Nakatakdang ganapin ang confirmation of charges para sa dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025