May 28, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Netizens, nagtalo: 'Mga gentleman na nagpapaupo ng babae sa PUV, ubos na?'

Netizens, nagtalo: 'Mga gentleman na nagpapaupo ng babae sa PUV, ubos na?'
Photo courtesy: Freepik

Nagdulot ng diskusyunan sa mga netizen ang isang viral Facebook post tungkol sa isang babaeng netizen na nag-rant matapos daw na hindi siya paupuin ng isang lalaking pasahero habang nakasakay sa isang bus na punuan na.

Mababasa sa viral Facebook post ni "Pixie" noong Mayo 24, "shout out kay kuya na pinatunayang wala na talagang gentleman sa mundo."

"kanina pa ko nakatayo sa gilid nya pero patay malisya lang sya. ano ba naman yung paupuin nya ako since malayo pa byahe ko and babae naman ako di ba?"

"ewan ko pero nakakadisappoint na talaga ang mga lalaki ngayon hahaha. ako lang ba?"

Human-Interest

KILALANIN: Si Christopher Diwata at ang pamosong ‘What hafen Vella?’

Agad na nag-viral ang Facebook post at habang isinusulat ang artikulong ito, umabot sa 218k laugh reactions, 21k shares, at 50.8k comments ang nabanggit na post.

Pero agad namang nagpaliwanag at humingi ng paumanhin ang uploader matapos siyang putaktihin ng mga negatibong komento mula sa mga netizen.

Aniya, "sorry po sa mga comments. sana lumipad na lang ako kawawa pala talaga si kuya kasi galing pa raw sya sa lolo nya."

"akala ko kasi uso pa ang maria clara at ibarra? nakakalungkot naman," mababasa sa comment section ng kaniyang post.

Sa isang hiwalay na Facebook post ay muling humingi ng dispensa ang uploader.

"I want to sincerely apologize for my recent comments regarding gender inequality in public transportation. After reflecting on what I said and listening to the feedback I’ve received, I understand that my words were poorly chosen and may have come across as dismissive or insensitive to the real and valid experiences of many people."

"It was never my intention to undermine the challenges faced by individuals due to gender disparities in our transit systems. I recognize that public transportation, like many areas of society, is not experienced equally by everyone, and it’s important to acknowledge and address those differences rather than diminish them."

"I’m committed to learning from this moment and continuing to educate myself on how to speak about these issues more responsibly and empathetically. Thank you to those who took the time to call me in—your voices matter, and I’m listening."

Sa isa pang post, "sa mga nagalit po sa post ko, very good po kayo kasi social experiment lang po sya. ngayon po katabi ko na matulog yung lalaking nasa picture. naiinggit lang pala sya sa suot kong damit kaya di nya ako pinaupo. saet?"

Pero dahil sa nabanggit na post ay nabuksan ang diskusyon kung may mga "gentlemen" pa ba sa kasalukuyan na willing magpaupo ng mga babaeng pasahero sa bus at iba pang public utility vehicles (PUV) gaya ng jeep, e-jeep, e-bus, at maging sa mga tren, at handa nilang ipaubaya ang kanilang upuan.

MGA MAGINOO, UBOS NA BA?

Iba-iba ang naging reaksiyon, komento, at saloobin ng mga netizen tungkol dito. May mga pabor sa uploader na nagsabing tila "endangered species" na nga ang mga maituturing na "maginoong lalaki" na kahit hindi senior citizen, person with disability (PWD), o buntis ang isang pasahero, ay willing silang i-give up ang kanilang seat para magpaupo ng babae.

"bat andaming galit HAHHAHAHAHA di niyo gets yung humor, pero marami naman na talagang lalaki na hindi na gentleman ngayon hahaha."

"Yes, nawawala na nga I agree, fight me hahahaha."

"Napapansin ko lang din na yung ibang lalaki na nakaupo na, tapos alam nilang may mga babaeng nakatayo na, kunwari nagtutulog-tulugan."

"Dito sa Japan uso ang gentleman sa babae mataas kasi respeto sa kababaihan kahit hindi ka buntis o bata matanda..

minsan nasa lugar yan o bansa sa Pinas madalang kang makakita ganyan nasa 2% lng dahil ang Pinas ay nasa #3 na bansa na bully magkatulad sila bansa India Pakistan America nork Land sa ugali na bully na tao kaya madalang ang

gentleman sa mga ganyan lugar... Sa Korea nmn nasa 20% ang gentleman at sa china??? Note gentleman Hindi lng sa hupuhan usapan dyn sa lahat aspeto sa kababaihan at kalalakihan. #gentleman Ginoo Mabuting Tao.."

Sa kabilang banda, mas marami ang nagsabing hindi required sa isang lalaking pasahero na magpaupo ng babaeng pasahero, dahil unang-una raw, wala naman daw batas patungkol dito. Pangalawa, ito raw ay tinatawag na "gender equality."

"I only give up my seat for a pregnant woman, woman with a child, and senior citizen. Dapat nag grab ka na lang kung gusto mong nakaupo ka."

"It’s understandable to appreciate kindness from others, but expecting special treatment solely based on gender isn’t a right — it’s entitlement. Courtesy is a choice, not an obligation, and expecting someone to act a certain way simply because you’re a woman can come across as entitled. Disappointment in others is valid, but so is reflecting on how we view equality and mutual respect."

"Hindi lang ikaw nakakaramdam ng pagod, paano kung may dinaramdam yan paano kung hindi okay katawan niya sayo nalang ba lahat ang pabor?"

"Unless PWD, buntis, o senior citizen ka, pwede kang magdemand ng upuan. Actually, kahit hindi mo idemand, kusang ibibigay sa'yo. Again, UNLESS isa ka sa tatlong binibigyan ng priority seat. Also, pare-pareho kayong commuter. Pare-pareho kayong nagbayad. Pare-pareho kayong pagod. Mapa-babae o trans, kung gusto niyo ng gender equality, start gender equity within yourselves and do not use the "Chivalry is dead" card just for your own benefits."

"Yung pagiging gentle man namin . Ginagamit na lang namin sa mga Asawa namin/GF/Matatanda/Buntis/PWD pero kung mga kagaya mo na malakas pa bakit ka namin papaupuin? ehh nauna kame sayo."

May ilan pang netizens na tila nanisi pa sa kaniya at sinabing huwag na sana siyang sumakay sa bus kung nakita na niyang punuan at medyo matagal pa siyang makakaupo kapag may bakante na.

Ikaw Ka-Balita, anong palagay mo tungkol dito?