May 28, 2025

Home FEATURES Trending

Netizen, nag-rant tungkol sa kumare ng nanay niya na 'nakikiepal' sa achievement post niya

Netizen, nag-rant tungkol sa kumare ng nanay niya na 'nakikiepal' sa achievement post niya
canva, reddit

Tila mahilig umano mang-agaw eksena ang kumare ng nanay ng isang netizen. Aniya, imbis kasi mag-congrats ito sa kaniya dahil nakapasa siya sa Licensure Examination for Teachers (LET), ibinida pa raw nito ang anak nitong ga-graduate na. 

Ibinahagi ng isang netizen ang kuwento sa isang online community na Reddit, kung saan nabwisit siya sa kumare ng nanay niyang si "Tita A."

Anang netizen, nag-post daw siya at ang mama niya sa Facebook tungkol sa pagkakapasa niya sa LET. Marami raw ang nag-congrats sa kaniya pero maliban sa kaniyang Tita A na ibinida ang anak. 

"Ilang beses nagcomment si tita A sa post ko at sa post ni mama tungkol sa: anak niya na gagraduate na daw this year, tapos na raw mag OJT anak niya, kung saan magwowork anak niya after graduation, sa susunod yung anak naman daw niya makakapasa sa exam at iba pang anything about sa anak niya na di ko naman kaclose at kilala," aniya.

Trending

Empleyado, nahulog sa upuan habang tulog; nagpanggap na nahimatay para di mapahiya

"Gusto ko sana replyan ng 'paki ko ba sa anak mo at ano kinalaman nyan sa post ko' kaso baka sabihan ako na professional pero bastos sumagot.  Nairita ako kasi bakit isisingit niya ang tungkol sa anak niya eh ang post namin ni mama ay kung gaano ako kasaya at grateful na nakapasa sa LET."

Kuwento pa niya, binalikan din daw niya ang mga dating post ng mama niya tungkol sa mga achievement niya at ng mga kapatid niya. Nabasa raw niya na "epal" talaga ang Tita A niya. 

"Binalikan ko mga dating post ni mama about sa mga achievements ko at mga Kapatid ko at nabasa ko na epal na talaga siya sa comments. Kada post ni mama ng achievements namin ay sinisingit niya talaga sa comments niya ang tungkol sa anak niya. Kahit sa post ng iba pa nilang kumare ay ganyan din ginagawa niya sa comments," ika pa niya.

"I understand na proud siya sa anak niya pero dapat ilugar naman niya hayaan niya ang mga tao na ma-enjoy ang special moment nila dahil minsan lang yun at pinaghirapan nila. Dapat ipost na lang niya sa FB wall niya na gagraduate na anak niya at iba pang tungkol sa anak niya tapos i-pin niya sa profile niya, hindi yung makiki epal siya sa post ng iba," giit pa ng netizen. 

Kaniya-kaniya namang nagbigay-reaksyon ang mga netizen sa post:

"sana bnura mo yung comment nya para walang pumansin sa sinasabi nya."

"Paringgan mo OP, tapos pag tinanong ka kung pinariringgan mo sya sabihin mo hindi, classmate mo kamo yung pinariringgan mo."

"Wag mo na lang patulan. Pero send mo link ng FB post mo tas ako na papatol. "

"Pag nag post tita mo, mama mo naman mag comment ng achievement mo uli hahahaha"

"Pag sinabihan kang professional pero bastos sagot ka lng ng nagkakamali po kayo isa po akong professional bastos"

"Baka di marunong magpost si Tita A sa wall niya, magcomment lang ang alam lol."

---

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.