Kinagigiliwan ngayon sa social media ang isang post patungkol sa isang lalaking sinubuan habang nasa online job interview.
Sa Facebook post ng Reddit, ibinahagi nila ang kuwento ng Reddit user na may ngalang "TheFunTita" na siyang nag-interview sa naturang lalaki.
Aniya, nire-require niya ang mga aplikante na buksan ang kanilang camera habang nasa interview.
"Nasa kalagitnaan kami ng behavioral/technical interview, sobrang seryoso na siya kakaexplain ng mga bagay-bagay. Eh biglang may kutsara na umeksena sa frame. Like, literal na may kamay na sumulpot sa gilid ng screen, hawak ang kutsara, may kanin at ulam, diretso sa bibig ni kuya!" kuwento nito.
Aniya pa, "napahinto si kuya. As in, natulala siya. Nakabukas pa nga yung bibig niya pero hindi niya malaman kung susubo ba siya o sasagot muna. Mga 2 sseconds na intense staring contest kami ni kuya. While ako sa kabilang screen, trying not to laugh or cry."
"Tapos umiling si kuya. Parang may silent convo sila ni ate sa background: 'Wag muna, may kausap ako e.' Pero halata mong may lungkot din na 'Sana hindi nangyari yun' or 'sayang, mukhang masarap yung ulam.'
"Heto yung malupit, di nagets ni ate, nigalaw lang niya yung spoon na parang isusubo nga niya kasi. Buti mabilis si kuya. Doon na hinawakan ni kuya yung kamay ni ate away from him while nakatingin sa laman ng kutsara," kuwento pa niya.
"Di siya nag-sorry about it and kunwari rin I didn't mind, tuloy na lang sa pagsagot anfd explain. No'ng pa-end na yung interview, nanghingi siya ng feedback, so syempre yun yung pinag-usapan namin. We both ended up laughing so hard."
Umani naman ng mga komento ang naturang post:
"Spoon feeding"
"Kung ako nag interview dyan matic hired sakin. Candidate demonstrated that he can work under pressure and can concentrate under unexpected stressful scenarios without hesitation. Wag tayong bitter focus on the skills he demonstrated . Stop with the professionalism crap na kesyo bakit may ibang tao sa interview room. Sa office madami distraction gaya ng mga tsismosa at papansin kaya yung skills nya is transferrable."
"Ung nagiinterview ka lang tapos bigla ka naiinggit"
"Lesson learned: Wala"
"Gantong spoon feeding lang ang tinatanggap q hahahahshshshshshs"
"Minsan kSi tlga d naiintindihn ng tao sa palagid mo ung ginagawa mo masokay explain muna “ may interview ako bawal ako guluhin naka camera on “ simple na solusyon"
"weird naman ni ate na nagsubo???"
"Maririnig naman sguro bago pa mapalapit na may conversation or nagsasalita. Ako pag may interview snsbhan ko na tlga lahat pra aware sila na walang mag iingay or maglalakad lakad sa background."
"Honestly, parang di nagiisip kung sino yung "nagsusubo" like duh kita naman na may interview yung tao? Papano kung hindi kasing bait ni OP yung naginterview kay Koya? Edi you costed him his job? May pinipiling sitwasyon yang pagiging clingy nyo ah. HHAHAHAHAHAHAHAHA"
"I was expecting a different kind of subo"