May 24, 2025

Home BALITA Metro

61-anyos na lola, na-hit-and-run ng dalawang sasakyan, patay!

61-anyos na lola, na-hit-and-run ng dalawang sasakyan, patay!

Patay ang isang 61-anyos na lola matapos mabangga ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa Barangay Silangan, Quezon City noong Mayo 17.

Ayon sa  Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang insidente sa Illinois Street at Aurora Boulevard bandang 7:00 ng gabi. 

Naiulat na nabangga ng dalawang sport utility vehicle (SUV) ang biktima, na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan, at parehong tumakas.

Nagsasagawa na ngayon ang pulisya ng follow-up operation para makilala at matunton ang mga drayber ng dalawang SUV.

Metro

₱1000 monthly allowance ng UdM students, ipapamahagi na sa susunod na linggo

Samantala, nananawagan ang QCPD sa publiko para sa impormasyon ng mga sangkot sa insidente.

“Hinihikayat namin ang sinumang may impormasyon ukol sa mga sangkot na sasakyan o drayber na agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa QC Helpline 122. Ang inyong pakikiisa ay mahalaga upang makamit ang hustisya para sa pamilya ng biktima at mapanagot ang may sala."