Sabi nga sa matandang kasabihan, "Huli man daw at magaling, naihahabol din!"
May instant ₱20,000 cash ang isang 68-anyos na senior citizen sa Lapu-Lapu City, Cebu matapos kumasa sa "Operation Tuli" sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Makikita sa Facebook post ni Lapu-Lapu City Mayor Junard "Ahong" Chan ang pagpayag ng isang senior citizen na sumailalim siya sa libreng tuli na programa ng lokal na pamahalaan para sa mga bata at "young at heart" na hindi pa huli ang lahat para magpatuli.
Nasa ₱10,000 hanggang ₱20,000 ang alok nila sa mga lalaking may 20 taong gulang pataas na kakasa sa nabanggit na libreng tuli.
Bago ang nabanggit na senior citizen, nauna munang magka-bonus ng ₱10,000 ang isang 27 taong gulang na lalaki na kumasa sa libreng tuli.
KAUGNAY NA BALITA: 27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!
Para naman sa mga batang nagpatuli, namahagi sila ng Tuli, libreng gamot, libreng ice cream, at libreng pagkain mula sa isang sikat na fast food chain.