Sumakses sa pag-akyat sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas ang isang 70-anyos na babae na talaga namang nagpamangha sa mga netizen.
Makikita sa Facebook post ni "Angkol Jun Adventure" ang pagtatampok niya kay Letecia Sobebe na nakasuot pa ng pink gown habang ibinibidang nakarating siya sa tuktok ng Bundok Apo.
"Meet nanay Letecia Sobebe, grabe at the age of 70years old. Nakaya pa nya akyatin ang isa sa pinaka mataas na Bundok sa Pilipinas," mababasa sa caption ng post.
"Congrats nay grabe ka power."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"What an inspiration! Go Nanay!"
"Congratulations! You're an inspiration to many!"
"Your achievement is a testament to your unwavering spirit, Nanay! Congratulations!"
"Congratulations po mother Lety! Ang lakas nyo po grabe"
"Proud of you nanay.. congratulations!"
Isa lamang si Letecia sa mga maituturing nang "senior citizen" subalit nagagawa pa rin ang mga extreme hobbies gaya ng pag-akyat sa bundok.
Isang 55-anyos na lola naman mula sa Mangaldan, Pangasinan ang ginawang motibasyon ang kaniyang naging problema sa kalusugan upang pasukin ang mundo ng mountain climbing, kung saan nakaakyat na siya ng 145 mga bundok sa Pilipinas at ibang bansa mula nang simulan niya ang paglalakbay sa edad na 50 taong gulang.