May 17, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hugot ni Kobe Paras: 'Without pain there is no joy!'

Hugot ni Kobe Paras: 'Without pain there is no joy!'
Photo courtesy: Kobe Paras (IG)

Usap-usapan ang simpleng "hugot post" ng celebrity basketball player na si Kobe Paras tungkol sa pagkakaroon ng "joy" o ligaya.

Sa kaniyang Instagram story, nagbahagi siya ng larawan ng isang sunset na makikita sa isang dagat.

Sa bandang itaas, mababasa ang caption na "without pain there is no joy."

Photo courtesy: Screenshot from Kobe Paras (IG) via Fashion Pulis

Hindi naman malinaw kung ano ang context ng nabanggit na IG story, pero siyempre, hindi maiwasan ng mga netizen na maiugnay ito sa "masalimuot" na buhay-pag-ibig niya.

Tsika at Intriga

'Englishera halata, right?' Friend ni Kobe 'di kilala si Kyline, 'laking cartoons' daw

Recently nga ay naging usap-usapan ang naging hiwalayan nila ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara, na ginatungan pa ng mga pasaring at pagsasalita ng kaniyang inang si Jackie Forster, na todo-tanggol naman sa kaniya.

Pagkatapos, kinuyog ulit siya nang maispatan siyang may kasamang babae at ka-holding hands pa, nang magbakasyon siya sa Bali, Indonesia.

MAKI-BALITA: Hindi si Kyline? Pic daw ni Kobe na may ka-holding hands sa Bali, inintriga

Napag-alaman naman ng mga marites na ang mystery girl ay si social media personality at singer na si Rhaila Tomakin.

MAKI-BALITA: 'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens

Sa recent interview naman kay Rhaila, iginiit niyang hindi siya third party sa nasirang relasyon nina Kobe at Kyline, at ipinangdiinan niyang "friends" lang sila, though hindi naman niya isinasara ang posibilidad na kung sakaling manligaw sa kaniya ang binata, ay mapasagot siya ng "Yes" or "No."

MAKI-BALITA: Rhaila Tomakin, nagsalita na tungkol sa kanila ni Kobe Paras