May 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Dun ka sa idol mong perpekto!' Talak ni Mark Yulo sa basher, may pinapatamaan?

'Dun ka sa idol mong perpekto!' Talak ni Mark Yulo sa basher, may pinapatamaan?
Photo courtesy: Screenshot from Mark Andrew Yulo

Usap-usapan sa social media ang pagpatol ng ama ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo sa basher niya sa comment section.

Sa isang komento, sinabi ng netizen na umano’y nagpapaawa umano si Mark sa isang live video kasama ang nanay niya—bagay na tahasan niyang tinalakan.

“Wala kang pake. Du’n ka sa kabila magkomento. Magsama kayo ng idol mong perpekto,” ani Mark sa comment.

Makikita sa screenshot na umani ng iba’t ibang reaksyon ang naturang komento, kung saan may mga netizen na nagpahayag ng suporta kay Yulo, habang ang ilan naman ay nagpayo na iwasan na lamang ang pakikipagtalo sa social media.

“Tama lang ‘yan, hindi lahat dapat pinapansin pero minsan kailangan ding sumagot.”

Tsika at Intriga

Kaye, breast cancer survivor: Mister na si Paul Jake, 'pinakaba' ang netizens

“Grabe naman kasi yung basher, nananahimik yung tao eh.”

“Mas okay sana kung hindi na lang pinatulan.”

“Support ako kay Mark, may limit din ang tao.”

“Lesson na rin ito sa mga mahilig mang-bash online.”

“Magulang na ngani ang problema.”

“Kaya di kasundo mga anak eh, patola amp.”

Matatandaang muling umagong ang relasyon ng magkakapatid na Yulo sa kanilang mga magulang matapos ang usap-usapang pagliban umano nila sa house blessing nina Karl Eldrew at Eliza.

Sa mga kumalat na larawan at video sa social media, makikitang masaya ang pagdiriwang ng naturang okasyon. Gayunman, napansin ng marami ang kawalan ng ina ng pamilya, na agad nagbunsod ng espekulasyon online.

Samantala, nagbahagi naman ng mensahe si Carlos Yulo para sa kaniyang mga kapatid kaugnay ng naturang milestone. Bahagi ng kaniyang caption ang, “To finally having a place to call your own—your own peace and your own beginning.”

Dahil dito, mas lalo pang naging usap-usapan ang isyu, lalo’t hindi rin umano nakita si Carlos kasama ang kanilang ina sa nasabing okasyon.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Di na rin kasundo?’ Angelica Yulo, inurirat bakit wala raw sa house blessing ng 2 pang anak