Sa ngayon, tila wala pa sa isip ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pag-aasawa, aniya, ang inspirasyon niya sa ngayon ay ang mga Pasigueño.
Sa isang TV interview, tinanong si Sotto kung ano ngayon ang kalagayan ng kaniyang puso.
“Okay lang po. Darating at darating naman po ‘yan," saad ng alkalde. "Gaya nga po ng sabi ko, nitong nakaraang anim na taon sobra sa trabaho rin."
Itinanong din sa kaniya kung may nagbibigay ba sa kaniya ng inspirasyon.
Sagot ni Sotto, "Wala ho. Ang nagbibigay inspirasyon sa akin ang tao talaga."
Matatandaang nagwagi si Sotto maging ang kaniyang buong partido na "Giting ng Pasig." Mula sa vice mayor hanggang konsehal.
Ito rin ang ikatlo at huling termino ng alkalde.