Nagsalita na ang aktor na si Marco Gumabao matapos mabigo ng kaniyang kandidatura sa pagkakongresista para sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.
Sa latest Instgram post ni Marco nitong Martes, Mayo 13, taos-puso siyang nagpasalamat sa lahat ng nakadaupang-palad sa nakaraang kampanyahan.
“Hindi man ito ang resulta na aming hinangad, alam kong ibinigay natin ang lahat, at buong puso tayong lumaban,” saad ni Marco.
Dagdag pa niya, “Sa lahat ng bumoto, sumuporta, tumulong, at naniwala—salamat po sa pagtanggap sa amin, sa inyong tiwala, at sa pagmamahal na ipinakita ninyo sa bawat sulok ng Partido.”
Sa huli, tiniyak ni Marco na patuloy pa rin umano siyang maglilingkod kahit hindi siya nagkaroon ng posisyon sa gobyerno.
“Nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwanan. Ang serbisyo at malasakit, hindi lang nasusukat sa puwesto,” aniya.