Nag-endorso ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng 12 senatorial candidates para sa 2024 midterm elections.
Sa opisyal na pahayag ng MILF at UBJP nitong Sabado, Mayo 10, inisa-isa nila ang 12 kandidato sa pagkasenador na inendorso nila. Narito ang kabuuan ng listahan.
#28 CHRISTOPHER LAWRENCE "BONG" T. GO
#59 VICENTE "TITO" SOTTO III
#5 PAULO BENIGNO "BAM" A. AQUINO
#22 RONALD "BATO" DELA ROSA
#51 FRANCIS "KIKO" PANGILINAN
#38 RODANTE MARCOLETA
#61 FRANCIS "TOL" N. TOLENTΙΝΟ
#63 ERWIN TULFO
#18 PIA CAYETANO
#9 ABIGAIL "ABBY" BINAY
#39 IMEE MARCOS
#50 MANNY PACQUIAO
Sa huli, nanawagan sila sa lahat ng kasapi, tagasuporta, sympathizers ng MILF at UBJP na ihalal at ikampanya ang mga binanggit na kandidato.
Samantala, bukod sa MILF at UBJP, naghayag na rin endorsement ang mga grupo o sektang tulad ng Iglesia Ni Kristo (INC) at Jesus Is Lord (JIL) church para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
MAKI-BALITA: INC, nag-endorso na ng 8 kandidato sa pagkasenador
MAKI-BALITA: JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates