May 10, 2025

Home BALITA National

Catanduanes, niyanig ng 4.5-magnitude na lindol

Catanduanes, niyanig ng 4.5-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Catanduanes nitong Biyernes ng gabi, Mayo 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:40 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 46 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Gigmoto, Catanduanes, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

CBCP, nanawagan sa mga mananampalatayang ipagdasal si Pope Leo XIV

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.