May 04, 2025

Home SHOWBIZ

‘Hindi nakakatuwa!’ Karla Estrada, nabuwisit kay Ogie Diaz

‘Hindi nakakatuwa!’ Karla Estrada, nabuwisit kay Ogie Diaz
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Inamin ng TV host-actress na si Karla Estrada na nabuwisit daw siya sa kumare niyang si Ogie Diaz nang magkaharap sila sa isang one-on-one interview.

Sa latest episode kasi ng “Ogie Diaz Inspires” noong Sabado, Mayo 3, inusisa ni Ogie kung nagalit ba sa kaniya si Karla.

“Nagalit ka ba sa akin?” tanong ni Ogie.

“Hindi,“ sagot ni Karla. “Iba ang galit sa parang nairita, or nabuwisit, or nagtampo. [...] Siyempre may mga salitang hindi nakakatuwa.”

Ogie Diaz, nahiya nang makaharap si Daniel Padilla

“Pero mas malawak ang pang-unawa ko, e. Kasi tinitingnan ko pa rin kung saan tayo nag-umpisa para maging magkaibigan,” dugtong pa niya.

Matatandaang si Ogie ang isa sa mga nagpaugong sa bulung-bulungang hiwalay na ang KathNiel noong 2023 matapos niyang itsikang palihim umanong nagkikita sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Dahil dito, kinuyog ng fans ang showbiz insider at tinawag na fake news peddler. Ngunit ilang linggo matapos maispluk ang nasabing tsika, kinumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel ang kanilang breakup bagama’t wala silang binanggit na detalye sa naging dahilan nito.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn